Lessons from Wealth Within Your Reach Chapter 1

Wealth Within Your Reach Review – May binabasa akong libro tungkol sa pagpapalago ng iyong pera.Nasa unang chapter pa lang ako at tinamaan na ako kaagad sa mga nabasa ko. Dahil nabulag ako noon sa pera, na sa gadget at bisyo napunta, puro inom ang pinaggagawa ko noon nagtrabaho ako sa Baguio City. Yon kasi ang una kong trabaho after na pumasa ako sa Electrical Engineer Board Exam. Hindi ako nag-impok at lahat ng pera ko ay napunta sa wala.pinoy-and-money-wealth-within-your-reach

For the past 5 years, nagsimula na akong maghanap ng paraan para makapag-impok at kumita ang pera na pinagtrabahuan ko at ng aking butihing asawa. Kaya etong librong ito na pinamagatang – “Wealth Within Your Reach (Pera Mo, Palaguin Mo!) “, ay magsisilbing mentor ko sa pagpapalago ng pera para may maibigay akong pang-aral sa kolehiyo ng mga anak ko. Bata pa sila, 7 yrs old at 2 yrs old, pero kailangan ko ng magsimulang mag-impok at palaguin ito kasi pinapatay ng inflation rate ang pera natin, kailangan talagang ilagay ito sa funds na may kita.

Magsumikap ka sa paghahanapbuhay ngunit tiyakin mo na may plano ka kung papaano palalaguin ang kinita mo!

Ang mga katagang yan ay hango sa “Wealth Within Your Reach (Pera Mo, Palaguin Mo!)” na libro. Walang silbi kung puro gastos lang ang ginagawa natin. Hindi na pwede ngayon ang ganyang pamamaraan kasi paano kung magsara yong big time na Company na pinagtratrabahuan mo? Eh di lugmok ka kaagad! Kaya kailangan siguraduhin na ilagak mo yong pera mo sa isang business or iinvest ito sa iba katulad ng mutual funds, stocks, bonds, farm at iba pa.

Kung gusto niyo malaman kung paano maglagay at mag-invest sa stock market, bisitahin niyo ang “Stock Market Tutorial” na ginawa ko para sayo kaibigan!

Hindi pa huli ang lahat kung hindi mo pa eto nagawa at napag-isipan. Mag-simula ka ulit at mag-invest ka sa karunungan na alam kong maging susi ng iyong tagumpay.

Leave a Reply